Ano ang MetaMask?
Ang mga pampublikong blockchain gaya ng Ethereum ang susunod na ebolusyon ng mga Internet database, at Metamask ang susunod na ebolusyon ng browser.
Ang MetaMask ay isang web browser extension at mobile app na nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan ang iyong mga pribadong key sa Ethereum. Kung gayon, nagsisilbi itong wallet para sa Ether at iba pang token, at nagbibigay-daan sa iyong makipag-ugnayan sa mga desentralisadong application, o mga dapp. Hindi tulad ng ilang wallet, hindi nagtatago ng impormasyon tungkol sa iyo ang Metamask: hindi ang email address mo, hindi ang password mo, at hindi ang Secret Recovery Phrase mo o iba pang pribadong key. Pinapanatili mo ang lahat ng kontrol sa iyong crypto-identity.
Baguhan sa crypto at web3?
Pumunta sa MetaMask Learn para sa isang simpleng karanasan sa pagkatuto na partikular na idinisenyo para sa mga baguhan sa web3. Libre ito, available sa maraming wika, at may kasamang kapaki-pakinabang na tools gaya ng mga simulation para tulungan kang maging pamilyar sa MetaMask.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga partikular na paksa gaya ng teknolohiya ng blockchain, mga token, mga swap, mga Layer 2 network at iba pa, mag-scroll pababa sa "Mga Susunod na Hakbang".
Paano i-install ang MetaMask:
- Browser extension
- Mobile app
Chrome
-
Bisitahin ang https://metamask.io/
-
Pindutin ang "I-download" sa menu bar.
-
I-click ang "I-install ang MetaMask para sa Chrome". Dadalhin ka sa Chrome Web Store.
-
I-click ang "Idagdag sa Chrome".
-
Sa pop up, i-click ang "Idagdag ang extension".
Pagkatapos idagdag ng MetaMask Extension, awtomatikong bubukas ang MetaMask. Puwede mo ring tiyakin na madali itong ma-access sa iyong toolbar sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng jigsaw sa kanang tuktok ng screen, at pagpindot sa pin icon.
Firefox
- Bisitahin ang https://metamask.io/
- I-click ang "I-download"
- Pindutin ang "I-install ang MetaMask para sa Firefox".
- Sa bagong window na bubukas, i-click ang "Idagdag sa Firefox"
- Sa pop up, i-click ang “Add”
TANDAAN: Huwag mabahala na ang Firefox plugin ay nakalista bilang na-publish ni "danfinlay, kumavis"—ilan sila sa mga pangunahing utak sa likod ng MetaMask!
Pagkatapos idagdag ang MetaMask Extension, ibabalik ka sa browser page mo. Lalabas ang MetaMask sa browser mo; i-click ito para buksan ang MetaMask.
Edge
- Bisitahin ang https://metamask.io/
- I-click ang "I-download".
- Pindutin ang "I-install ang MetaMask para sa Edge".
- Sa bagong window na bubukas, i-click ang "Kunin".
- Sa pop up, i-click ang "Idagdag ang Extension".
Pagkatapos idagdag ng MetaMask Extension, awtomatikong bubukas ang MetaMask. Puwede mo ring siguraduhing madali itong naa-access sa toolbar mo sa pamamagitan ng pag-click sa jigsaw icon sa kanang bahagi sa itaas ng screen, pag-click sa 3 tuldok sa tabi ng MetaMask extension, at pagpili ng "Show in Toolbar".
Brave
- Bisitahin ang https://metamask.io/
- I-click ang "I-download".
- I-click ang "I-install ang MetaMask para sa Chrome". Huwag pansinin ang mga tumutunog na alarm bell: sinasabi nito ang "Chrome" dahil ang Brave ay isang Chromium-based na browser at ibinabahagi ang Web Store sa mismong Chrome.
- Sa Chrome Store na bubukas, i-click ang 'Idagdag sa Brave'.
- Sa popup na lalabas, i-click ang 'Idagdag ang extension'.
Pagkatapos idagdag ang MetaMask Extension, ibabalik ka sa browser page mo. Lalabas ang MetaMask sa iyong browser. Puwede mo itong i-click para buksan ang MetaMask.
Una: huwag i-download ang MetaMask mula sa kahit saan maliban sa opisyal na app store na angkop sa device/OS mo. May mga na-clone na bersyon ng MetaMask na naka-program para i-record ang Secret Recovery Phrase mo sa sandaling magawa ito. Para iwasang maging biktima ng mga scam na ito, siguraduhing i-download ang opisyal na MetaMask app mula sa app store ng device mo, at hindi mula sa anupamang source.
iOS
- Buksan ang App Store at pindutin ang search button sa kanang bahagi sa ibaba. Ilagay ang MetaMask sa search bar.
- I-click ang 'Kunin' o i-tap ang pangalan ng app para makakita ng higit pang detalye. Kumpletuhin ang karaniwang proseso sa pagkumpirma ng pag-download sa App Store.
- Kapag na-install na, buksan ang app at sundin ang mga prompt para gumawa ng wallet mo.
- I-back up ang Secret Recovery Phrase mo sa isang lugar na ligtas at offline!
Android
- Buksan ang Play Store at hanapin ang "MetaMask". Ang opisyal na MetaMask app ay kamukha ng screenshot sa ibaba. MAGING MAINGAT na huwag mag-i-install ng pekeng MetaMask app! Tingnan iyong may 10M+ download.
- I-tap ang 'I-install' at hintaying matapos ang proseso.
- Kapag na-install na, buksan ang app at sundin ang mga prompt para gumawa ng wallet mo.
- I-back up ang Secret Recovery Phrase mo sa isang lugar na ligtas at offline!
Puwede mo ring i-access ang extension store ng bawat browser at hanapin ang MetaMask. Anuman ang gusto mo!
Pag-configure ng mga setting ng privacy mo
Kapag ini-install ang MetaMask extension, magagawa mong paisa-isang i-adjust ang mga setting ng privacy para siguraduhin na naka-set up ang app ayon sa mga kagustuhan mo sa privacy.
Para gawin ito, pindutin lang ang button na 'Advanced configuration' sa proseso ng set-up ng wallet. Dito, puwede mong i-toggle/i-configure ang mga setting kabilang ang:
- Pagtukoy ng phishing
- Mga paparating na transaksyon
- Karagdagang impormasyon tungkol sa presyo ng token mula sa mga third-party source
- Ang default na provider ng RPC
- Awtomatikong pagtukoy ng token
- Mga kahilingan sa batch account
- Custom IPFS gateway.
Huwag mag-alala kung hindi ka sigurado habang nagse-setup: kapag nagawa at gumagana na ang wallet mo, puwede mong i-access ang parehong mga setting anumang oras sa Mga Setting > Seguridad at Privacy.
Mga pahintulot sa extension
Kapag idinaragdag ang MetaMask sa browser mo, posibleng nagtataka ka kung bakit kailangan mong aprubahan ang isang extension na “basahin at palitan ang lahat ng data mo sa mga website na binibisita mo”. Humanda, teknikal ang sagot:
Upang i-enable ang mga dapp (mga desentralisadong aplikasyon) na ma-access ang blockchain, kailangang mag-inject ng MetaMask ng Web3 JavaScript object sa bawat page. Sa prosesong ito,** hindi nito babaguhin ang website**, pero papayagan lang ito na ma-access ang network. Para sa buong paliwanag tungkol dito, tingnan ito.
Kung hindi ka pa rin kumbinsido, isang magandang paraan para mag-eksperimento at pamahalaan ang browser mo ay i-sandbox ang MetaMask mo: gumawa ng hiwalay na browser profile upang doon lang ma-install ang MetaMask. Magbibigay-daan ito sa iyong masanay sa MetaMask at Web3 sa isang kapaligiran na hiwalay sa kasalukuyan mong pagkakakilanlan sa web.
Dahil dito, ligtas mag-browse sa Metamask. Welcome—isa ka na ngayon sa 30 milyong user ng MetaMask sa buong mundo!