Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Paano ipapakita ang mga token sa MetaMask

Mga quick link:

Karaniwan, ipinapakita ng MetaMask ang mga karaniwang token ng ERC-20 (o mga karaniwang token) na pagmamay-ari mo sa iyong account page. Gayunpaman, sa pagdami ng mga token sa Ethereum at iba pang network, hindi nagpapanatili ang Metamask ng isang mapagkakatiwalaang listahan—pero pinapayagan ka nitong idagdag ang anumang token na hawak mo na sumusunod sa ERC-20.

May dalawang magkaibang paraan para magdagdag ng mga hindi nakalistang token sa iyong MetaMask wallet:

Una sa lahat, puwede mong i-enable ang advanced feature na awtomatikong tumutukoy ng mga token na nasa address mo, at idinadagdag ang mga ito sa wallet mo. Gagamit ito ng mga listahan ng mga token na pinagsama-sama mula sa iba't ibang listahan ng mga token ng komunidad; Walang listahan ng pagmamay-ari ang MetaMask ng mga 'tinanggap' o 'valid' token. Kung pipiliin mo ang opsyong ito, tandaan na dapat palagi kang mag-ingat sa mga hindi pamilyar na token:

  1. Huwag makipag-ugnayan o ikonekta ang iyong wallet sa anumang website na hindi pamilyar sa iyo, hindi mo pa napag-aralank, at walang dahilan para maniwala na mapagkakatiwalaan.
  2. Palaging maghintay ng na-airdrop o hindi pamilyar na token at maingat na suriin bago makipag-ugnayan sa mga ito. Tingnan pa ang pinakamagagandang kasanayan para sa kaligtasan ng token dito.
  3. Kung sinubukan mong makipagtransaksyon gamit ang token at nabigo ang iyong transaksyon, kung saan may ipinapakitang error ang block explorer na isinulat ng scammer at inuutusan kang pumunta sa isang website, malamang na isa itong phishing site, kaya HUWAG i-click ang link na ito.
  4. Manatilng may alam tungkol sa mga paraan na sinusubukan ng mga scammer na nakawin ang iyong mga pondo. Tandaan na hindi palaging may sapat na mga ipinapatupad na pag-iingat para pagkatiwalaan ang impormasyong nakikita mo sa web.

Pinahusay na pagtukoy ng token

info

Available lang sa ilang partikular na network!

Available lang ang pinahusay na pagtukoy ng token sa:

  • Ethereum mainnet
  • Avalanche
  • BNB Smart Chain
  • Polygon

I-click ang identicon sa kanang sulok sa itaas, mag-navigate sa 'Mga Setting', at pagkatapos ay sa'seguridad at Privacy', at siguraduhing naka-on ang toggle.

Pinahusay na awtomatikong pagtukoy ng token Metamask

Maaari mo itong i-off anumang oras sa ibang pagkakataon kung kinakailangan.

Kapag na-enable mo na ang pagtukoy ng token, bumalik sa listahan mo ng asset, at mag-refresh kung kinakailangan—sana ay naroon na ang anumang token na hindi mo dating nakikita.

_Tandaan na nangyayari ang pagtukoy ng token sa Ethereum mainnet, naka-on o naka-off man ang setting na ito; pinapalawak lang ng pinahusay na pagtukoy ng token ang function na ito para saklawin ang mga karagdagang network na nakalista sa itaas. _

Mano-manong pagdaragdag ng token gamit ang paghahanap

Para makita ang mga token mo, i-click ang tab na Mga Asset. Dapat na nakalista ang mga token mo sa ilalim ng tab na ito. Kung hindi, at kung hindi ma-pick up ng awtomatikong pagtukoy ng token ang mga ito, i-click ang 'Import token' sa ibaba.

Kapag na-click mo ito, mapupunta ka sa isang search bar:

  1. I-type ang mga salitang nakapaloob sa token na gusto mong hanapin. Halimbawa, kung gusto kong hanapin ang Chainlink (Simbolo: LINK), ita-type ko lang ang "LI” sa bar, at ibabalik ng search bar ang lahat ng mungkahi.
  2. Pumili ng token ng interes, at i-click ang Susunod para magpatuloy. (Kapag nakapili ka na ng token, maha-highlight nang blue ang border ng button)
  3. I-click ang** Magdagdag ng token** para magpatuloy. Ire-redirect ka sa page ng account mo. Ililista ang token na kadaragdag mo lang.

Mag-import ng token MetaMask Extension

Paano itago ang mga token

Kapag naidagdag na, maaari mong alisin ang token sa iyong listahan ng asset.

Sa iyong wallet page, hanapin ang tab na 'Mga Asset' at mag-click sa token na gusto mong alisin.

Mula rito, i-click ang tatlong tuldok sa kanang sulok sa itaas, at pagkatapos ay 'Itago'.

Itago ang extension ng token

Kung wala sa mga pinakasikat na token ang hinahanap mong token, posibleng hindi ipakita ng search bar ang token na hinahanap mop. Sa kasong ito, maaari kang magdagdag ng custom token (nang mano-mano).

Paano magdagdag ng custom token

  1. I-click ang 'Mag-import ng mga token', na matatagpuan sa ibaba ng tab na 'Mga Asset' sa homepage ng wallet mo.

  2. Lumipat sa tab na 'Custom token' sa itaas, at pagkatapos ay ilagay ang token address sa unang field. Tingnan sa ibaba kung hindi mo alam kung saan ito mahahanap.

  3. Sa karamihan ng mga sitwasyon, awtomatikong mapupunan ang token symbol at token decimal.
    Kung hindi, pumunta sa block explorer ng network at hanapin ang token. Pinakamalamang na ipapakita ang symbol at mga decimal nito.

Hanapin ang mga detalye ng custom token

Kung hindi mo pa rin mahanap ang mga detalye ng token, subukang hanapin ang dokumentasyon ng token sa pamamagitan ng paghahanap sa web.

  1. I-click ang 'Magdagdag ng Custom Token' para magpatuloy.
  2. Makikita mo ang page na hihilingin sa iyo na kumpirmahin na gusto mong idagdag ang token.
    Kapag na-click mo ang 'Mag-import ng mga Token', idadagdag ang uri ng token sa wallet mo.

Mag-import ng custom token MetaMask Extension

Paano kung hindi ko alam ang address ng token?

Tingnan ang artikulong ito para makita ang iba't ibang paraan para mahanap ito.

Puwede mong hingin sa taong nagpadala ng mga token sa iyo ang contract address ng token.

Tandaan na kung may nagsabi sa iyo na pinadalhan ka nila ng mga token, pero hindi nila maibigay sa iyo ang address ng token, o ang hash ng transaksyon (isang natatanging transaction ID), posibleng hindi pa nila ito nagagawa.

Paano magdagdag ng token gamit ang block explorer

Tandaan: Bukod pa sa Etherscan, gagana ito sa karamihan ng mga pangunahing block explorer, kasama ang BscScan, Polygonscan, Snowtrace, atbp., dahil mayroon silang magkakaparehong disenyo.

  1. Pumunta sa block explorer.
  2. Hanapin ang token. Puwede ka ring pumunta sa pamamagitan ng link na 'Mga Token' sa menu bar.
  3. I-click ang button na 'Higit Pa' sa kanang bahagi sa itaas ng profile summary ng token.
  4. I-click ang 'Idagdag ang token sa MetaMask (Web3)'

idagdag ang token gamit ang block explorer

  1. Lalabas ang MetaMask para kumpirmahin mo na gusto mong idagdag ang token.

idagdag ang token MetaMask notification

Paano magdagdag ng token gamit ang isang coin listing site

Nag-aalok ng MetaMask integration ang mga site gaya ng Coingecko o CoinMarketCap na nagbibigay-daan sa iyo na direktang magdagdag ng token sa MetaMask mula sa pagpasok nito sa kanilang site.

Para ma-access ito, pumunta lang sa isa sa mga site na ito at hanapin ang token na gusto mong idagdag sa pamamagitan ng paggamit ng search bar. Pagkatapos ay hanapin ang contract address at i-click ang MetaMask fox. May lalabas na prompt para kumpirmahin na gusto mong idagdag ang token sa iyong wallet.

Add_token_to_MetaMask_from_coin_listing_site2.gif

info

Tandaan

Sa MetaMask Mobile, siguraduhing ia-access mo ang site gamit ang in-app browser, sa halip na sa standard browser ng device mo. Ito ang tanging paraan para ma-access ang mga web link na na-integrate sa MetaMask gaya ng magagawa mo sa desktop browser mo gamit ang Extension.

Nagbibigay-daan sa iyo ang pamamaraang ito na idagdag ang token sa iba't ibang network, depende sa kung na-deploy ng mga may-ari ng token ang kaukulang smart contract sa network na iyon. I-click ang tatlong tuldok sa tabi ng contract address para pumili ng ibang network, at saka i-click ang fox para idagdag ang token sa network na iyon.

Paggamit ng Portfolio Dapp

Ang Portfolio Dapp ay isang bagong platform na nauugnay sa MetaMask na pinagsasama-sama at ipinapakita ang mga balanse ng token mo. Sa aming konteksto, kapag nakonekta mo ang iyong wallet, **awtomatiko nitong matutukoy **at ipapakita ang karamihan ng mga token.

Ang kailangan mo lang gawin ay sundan ang link at ikonekta ang iyong wallet. Tingnan ang aming mga artikulo sa kung paano gamitin ang dapp kung kailangan mo pa ng patnubay.