Hindi suportado ang aking bansa/rehiyon sa pagbili ng crypto
Bagama't gusto naming gawing accessible ang mga feature ng MetaMask sa mas maraming tao sa buong mundo hangga't maaari, ang pagbili ng crypto sa MetaMask (na tinutukoy rin bilang on-ramp) ay hindi palaging available sa buong mundo.
Ito ay dahil ang mga kumpanyang kasosyo namin ay hindi maaaring mag-operate sa bawat hurisdiksyon, dahil ang kanilang mga operasyon ay apektado ng iba't ibang batas at regulasyon.
Kung hindi supported ang iyong bansa/rehiyon, maaari ka pa ring makapaglagay ng mga token sa wallet mo sa pamamagitan ng ibang paraan. Halimbawa, maaaring idaan ang pagbili ng mga token sa isang centralized exchange (CEX) at ideposito ang mga ito papunta sa MetaMask. Tingnan ang aming gabay para sa karagdagang impormasyon. Tandaan din na ang rutang ito, tulad ng mga mismong on-ramp, ay karaniwang nangangailangan ng mga hakbang ng KYC (know your customer), gaya ng pagbibigay ng iyong pagkakakilanlan, at maaari ding mag-iba-iba ang availability ayon sa rehiyon. Ang mga CEX ay naiiba rin sa MetaMask dahil custodial ang mga ito — ibig sabihin, wala kang kontrol sa iyong private key.
Maaari ka ring mag-ayos ng P2P (peer-to-peer) na deposito sa iyong wallet sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga simpleng transaksyon.
Anuman ang paraan na pipiliin mo, gumawa ng sarili mong pananaliksik bago magbigay ng anumang pera, at siguraduhing ligtas ang platform na ginagamit mo. Palaging ugaliin ang mabubuting gawi sa web3 security.