Laktawan at dumiretso sa pangunahing content

Paano mag-trade ng perps sa MetaMask

Available ang perpetual trading o "perps" sa MetaMask Mobile at MetaMask Extension! Kung bago ka rito, magsimula sa aming explainer na Ano ang perpetual trading. Kapag handa ka na, buksan ang wallet para mag-trade. Saklaw ng gabay na ito ang lahat ng kailangan mo mula sa pagdeposito at pag-withdraw ng mga pondo, hanggang sa pagbubukas, pamamahala, at pagsasara ng posisyon.

Pumunta sa anumang seksyon:

impormasyon
  • Hindi available ang perpetual trading sa mga user sa mga sumusunod na rehiyon: USA, UK, Ontario (Canada), Belgium, at mga bansang nasa listahan ng mga sanction ng USA. Hindi para sa mga taga-UK.
  • Posibleng mapanganib ang pag-trade nang may leverage. Laging gumawa ng sarili mong pananaliksik at unawain ang tolerance mo sa panganib bago sumubok.

Deposit funds​

Puwede kang magdeposito ng anumang EVM token para pondohan ang perp account mo. Awtomatikong iko-convert ang token mo sa kinakailangang USDC sa Hyperliquid. Hindi naniningil ng anumang bayarin ang MetaMask sa mga deposito.

Opsyonal ang pagdedeposito ng mga pondo sa perp account mo sa MetaMask Mobile pero sa pamamagitan nito, nababawasan ang latency ng pagpapatupad ng trade at epekto ng slippage. Puwede kang magbukas ng posisyon sa anumang nangungunang token anumang oras sa Mobile. Sa Extension, makakapagbukas ka lang ng posisyon kung magdedeposito ka muna sa iyong balanse ng perp.

balanse ng perps

Hiwalay ang balanse ng perps mo sa balanse mo sa regular na account. Kapag nagpondo ka ng perps, makikita mong mababawasan ang balanse ng token mo, at maidaragdag ang ibinawas na halaga sa balanse ng perps mo.

  • Buksan ang MetaMask Mobile at i-tap ang button na 'Perps' para magsimulang mag-trade.
  • I-tap ang 'Magdagdag ng mga pondo'
  • Piliin ang token at halaga na gusto mong ideposito at i-tap ang 'Magpatuloy'. Puwede mo ring piliin ang balanse mo sa Money Account, Apple Pay, o debit/credit card sa 'Magbayad gamit ang'.
    • Ang minimum na halaga ng pagpopondo ay $10

MetaMask Mobile perps add funds

  • Suriin ang mga detalye at kumpirmahin
    • Karaniwang tumatagal ito nang ~30 segundo, pero puwedeng umabot nang ilang minuto
    • Puwede mong alamin ang pag-usad sa tab na Aktibidad > Mga Transaksyon

Kapag tapos na, makikita mo ang available na balanse sa pag-trade sa seksyon ng perps.

Pro mode

May dalawang view ng pag-trade sa MetaMask Mobile: Lite (ang default, na may naka-streamline na interface) at Pro (na may data ng order book, mga advanced na paglalagay ng order, click-to-price, at higit pa). I-tap ang button sa kanang itaas ng screen ng perps para magpalipat-lipat anumang oras.

Open a position​

Puwede kang magsimulang mag-trade anumang oras, sa mahigit 150 kontrata sa crypto, mga commodity, mga stock, at forex.

leverage

Nag-iiba ang leverage kada kontrata. Nakakasuporta ang bawat token sa iba't ibang antas ng max leverage (hanggang sa 40x para sa BTC); puwede mo itong tingnan sa available na listahan ng mga kontrata kung saan nakasaad ang laki ng max na leverage sa tabi ng bawat token.

MetaMask Mobile perps token list max leverage

  • I-tap ang icon na trade sa navigation bar at piliin ang 'Perps' o pumili ng posisyon mula sa listahan ng mga available na kontrata sa seksyon na 'Perps'.
    • Puwede mo ring hanapin ang paborito mong token sa pamamagitan ng pag-tap sa magnifying glass sa kanang itaas

MetaMask Mobile perps token list

  • Piliin ang direksyon mo
    • I-tap ang Long kung sa tingin mo ay tataas ang presyo
    • I-tap ang Short kung sa tingin mo ay bababa ang presyo

MetaMask Mobile perps long and short options

  • I-drag ang slider para itakda ang laki ng order mo (ang "notional na halaga" ng trade mo)

    • Laki ng order = margin x leverage
    • Gamitin ang slider para piliin kung gaano kalaking bahagi ng balanse sa pag-trade mo ang gagamitin
  • Itakda ang leverage gamit ang slider o mga preset

    • Nag-iiba ang max na leverage kada market
    • Tandaan: mas mataas na leverage = mas malapit sa liquidation
    • Kapag na-liquidate, hindi na mababawi ang margin mo. Matuto pa tungkol sa leverage at liquidation sa aming gabay dito.

MetaMask Mobile perps set adjust leverage

  • Magdagdag ng mga parameter ng 'Awtomatikong isara' (Take Profit/Stop Loss, TP/SL) para awtomatikong isara ang posisyon mo at makatulong na pamahalaan ang panganib kapag mabilis ang galaw ng market. Opsyonal ito pero mahigpit naming inirerekomenda.
    • Puwede mong i-update ang mga parameter na ito anumang oras, kahit pagkatapos mabuksan ang posisyon mo

MetaMask Mobile perps adjust profit stop loss

  • Suriin ang mga detalye ng order mo kabilang ang ginamit na margin, liquidation price, at mga bayarin. I-tap ang 'Kumpirmahin' para magpatuloy.

Ipapatupad kaagad ang order mo sa market price.

Limit orders​

Sa halip na bumili o magbenta sa kasalukuyang market price, puwede ka ring magtakda ng limit price kung saan mo gustong maipatupad ang order mo. Binibigyan ka nito ng higit na kontrol, pero hindi kaagad mafi-fill ang order mo. Nakadepende ang pagpapatupad sa kung aabot ang market price sa limit price mo.

  • Lumipat sa mode na 'Limit' sa pamamagitan ng pag-click sa kanang itaas na sulok ng screen ng order
  • Itakda ang limit price mo at kumpirmahin

MetaMask Mobile perps locate limit settings

  • Kapag naabot ang limit price mo, awtomatikong mafi-fill ang order
  • Kung hindi, mananatiling bukas ang order hanggang sa kanselahin mo
  • Puwede mong subaybayan ang mga limit order mo sa seksyon ng perps o sa tab ng order sa page ng token
  • Puwedeng kanselahin ang mga limit order anumang oras sa pamamagitan ng pagbubukas ng tab ng order sa page ng token at pag-tap sa 'Kanselahin ang order'

MetaMask Mobile perps cancel limit order

Manage a position​

Pagkatapos magbukas ng posisyon, puwede mo itong subaybayan sa homepage mo. Mag-scroll at i-click ang seksyon na 'Perps' para tingnan ang mga bukas mong posisyon o mag-click sa button na 'Perps. Makikita mo ang:

  • Token sa bukas na posisyon, leverage, at direksyon mo
  • Laki ng posisyon sa $ at bilang ng mga token mo
  • Unrealized PnL mo sa $ at %.

I-tap ang aktibo mong posisyon para makita ang mga detalye gaya ng chart ng presyo, liquidation price, at istatistika. Puwede mo ring i-update o idagdag ang iyong mga parameter ng awtomatikong pagsasara dito.

Auto close or TP/SL​

Sa 'awtomatikong pagsasara', pinapayagan kang magtaksa ng mga antas ng Take Profit and Stop Loss (TP/SL) para mapamahalaan ang panganib. Puwede mong idagdag o i-update ang mga parameter na ito anumang oras. Mahigpit namin itong inirerekomenda para maiwasan ang mga hindi inaasahang problema.

MetaMask Mobile perps edit take profit stop loss

Bakit posibleng pumalya ang awtomatikong pagsasara

Walang garantiyang makakapagpatupad ang awtomatikong pagsasara o TP/SL sa itinakda mong presyo. Halimbawa, kung babagsak ang presyo sa $50 mula sa $120 sa isang segundo at walang gustong bumili sa posisyon mo sa $100, maipapatupad ang stop loss mo sa $50 sa halip na sa $100.

Malabong mangyari ito sa mga "blue-chip" token (mga token na mas higit ang dami at liquidity gaya ng ETH at BTC) pero mag-ingat kapag nagte-trade ng mga "long-tail" token (mga niche na memecoin na maliit ang market cap). Makikita mo ang dami ng pag-trade para sa 24 na oras para sa bawat token. Para sa higit pang impormasyon sa kung paano gumagana ang awtomatikong pagsasara, mag-scroll pababa sa seksyon ng FAQ.

Charts​

Puwede mong gamitin ang candlestick chart para subaybayan ang aktibidad kada token at i-adjust ang mga agwat ng candle mula 1 minuto hanggang 7 araw. Pareho mong makikita ang mga panandaliang paggalaw at mga pangmatagalang trend ng market. Karaniwang ginagamit ng mga trader ang mga pattern na ito para sa teknikal na pagsusuri.

Mga Candle

Kumakatawan ang bawat "candle" sa apat na pangunahing data point:

  • Pagbubukas: Presyo kung saan nagsimula ang candle
  • Pagsasara: Presyo kung saan nagtapos ang candle
  • Mataas/Mababa: Saklaw sa oras na iyon.
  • Kulay:
    • Berde: mas mataas ang presyo sa pagsasara kaysa sa presyo sa pagbubukas (uptrend)
    • Berde: mas mababa ang presyo sa pagsasara kaysa sa presyo sa pagbubukas (downtrend)

HighOpenCloseLowHighOpenCurrent PriceLow

Kung pipindutiin mo ang isang candle nang ~1 segundo, ipapakita ang data na ito sa kaliwang itaas ng chart.

MetaMask Mobile perps inspect candle chart

Modify position exposure​

Kung gusto mong dagdagan, bawasan, o baliktarin ang posisyon mo, puwede mong baguhin ang posisyon mo sa page ng token. Tandaan: Hindi ka puwedeng gumamit ng leverage na mas maliit sa bukas na posisyon mo.

  • I-tap ang 'Baguhin' sa page ng order
  • Piliin ang gusto mong aksyon: 'Dagdagan ang exposure', 'Bawasan ang exposure', 'Baliktarin ang posisyon'
  • I-drag ang slider para itakda ang bago mong posisyon kung nagdadagdag o nagbabawas ng margin.
  • I-save at kumpirmahin ang posisyon

Close a position​

  • Piliin ang posisyon mo sa seksyon na 'Perps'
  • I-tap ang 'Isara ang posisyon'
  • I-drag ang slider para piliin kung gaano kalaking bahagi ng posisyon ang isasara (bahagya o buo)
    • Sa bahagyang pagsasara, mas malaki dapat sa $10 ang order ng pagsasara mo
  • Suriin ang impormasyon ng order, kabilang ang tinantyang PnL (profit and loss), mga bayarin, at halagang matatanggap mo
  • I-tap ang 'Isara ang posisyon' para kumpirmahin

MetaMask Mobile perps close position confirmation screen

Isasara ang posisyon mo sa market price.

Withdraw funds​

Puwede mong i-withdraw ang available na balanse sa perps pabalik sa iyong regular na account o sa Money Account.

  • Pumunta sa seksyon na 'Perps' at i-tap ang 'Mag-withdraw'
  • Ilagay ang halagang gusto mong i-withdraw
  • Piliin ang token at chain na gusto mong matanggap
  • Suriin ang mga detalye at kumpirmahin

MetaMask Mobile perps withdraw funds confirmation screen

Mapupunta sa regular na account o sa Money account mo ang na-withdraw na mga pondo sa pinili mong token at chain.

Fee breakdown​

Magbabayad ka ng bayarin sa tuwing magbubukas at magsasara ka ng posisyon. Posible ka ring singilin para sa pag-withdraw, depende sa token na makukuha mo sa pagwi-withdraw.

Ang mga bayarin sa perps trading ay:

  • Taker fee: 0.1432%. Sinisingil ito kapag naglagay ka ng order na kaagad na nag-aalis ng liquidity sa order book (hal., isang market order).
  • Maker fee: 0.1144%. Sinisingil ito kapag naglagay ka ng order na nagdadagdag ng liquidity sa order book (hal., isang limit order na hindi nafi-fill kaagad).

Iba pang bayarin na puwedeng singilin sa iyo:

  • Bayarin sa network: Ang kinakailangang bayaran (gas) para maproseso ang mga transaksyon sa network. Nag-iiba kada network.
  • Bayarin sa bridge: Ang bayaring sinisingil ng mga bridge provider para ilipat ang mga pondo mo sa ibang network kapag nagdedeposito ng mga pondo sa perp account mo. Nag-iiba kada network.
  • Bayarin sa provider: Nagbabagong bayarin na sinisingil ng bridge provider (Relay). Ipinapakita ito bilang "Bayad sa Provider" sa screen ng kumpirmasyon ng pag-withdraw at inilalapat ito sa lahat ng pag-withdraw.
  • Bayarin sa MetaMask: Bayaring 0.875% sa mga pag-withdraw sa karamihan ng mga destinasyong token. Hindi nalalapat ang bayaring ito kapag nag-withdraw ka papunta sa Money Account mo, mUSD (sa Ethereum, Monad, o Linea) o USD sa Arbitrum.

Questions​

Sino ang provider?

Ang lahat ng perp trading sa MetaMask ay hatid ng Hyperliquid, isang desentralisadong perpetuals exchange na itinatag sa HyperEVM network.

Ilang token ang puwede mong i-trade?

Puwede mong i-trade ang lahat ng token (mahigit 180) na sinusuportahan ng Hyperliquid na nakasaad sa listahan ng mga available na kontrata. Puwede mo ring hanapin ang paborito mong token sa pamamagitan ng pag-tap sa magnifying glass sa kanang itaas kapag nagbukas ka ng posisyon.

Anong mga token ang magagamit kong pambayad?

Puwede kang magbayad gamit ang/magdeposito ng anumang EVM token para pondohan ang perp account mo. Hindi pa sinusuportahan ang mga Solana token. Sa MetaMask Mobile, puwede mong laktawan ang hakbang ng pagdeposito at direktang magbukas ng posisyon sa mga token tulad ng USDT, USDC, mUSD, ETH, BNB, at wBTC anumang oras. Sa Extension, kailangan mo munang magdeposito ng mga pondo sa perp accountn mo bago ka makapagbukas ng posisyon.

Anong uri ng margin ang ginagamit?

Lahat ng order ay gumagamit ng isolated margin lang. Ibig sabihin, sa bawat partikular na posisyon, margin mo lang ang nasa panangib. Walang panganib ng pagkalugi sa available mong balanse o balanse ng token.

Paano kinakalkula ang unrealized PnL?

Tumutukoy ang PnL sa Profit and Loss. Unrealized ito hanggang sa isara mo ang posisyon mo.

  • Kinakalkula ang $ unrealized PnL bilang (effective margin - initial margin)
  • Ang % unrealized PnL ay ang return on equity. Kinakalkula ito bilang (($PnL ÷ paunang margin) - 1) o ((epektibong margin - paunang margin) ÷ paunang margin). Puwede mong tingnan ang kabuuang PnL mo sa tab ng perps sa lahat ng bukas na posisyon.
Paano gumagana ang awtomatikong pagsasara (TP/SL)?
  • Take Profit (TP): Gumagawa ng limit order na nagsasara sa posisyon mo kapag naabot ng market ang pinili mong presyo, para mai-lock ang mga tubo mo.
  • Stop Loss (SL): Gumagawa ng limit order na nagsasara sa posisyon mo kapag naabot ng presyo ang pinili mong antas, para malimitahan ang pagkalugi mo.

Paano gumagana ang TP/SL kapag maraming trade:

  • Pagkatapos ng unang trade mo, awtomatikong susunod ang mga setting ng TP/SL mo sa posisyon mo, kaya hindi mo na kailangang magtakda ng bagong TP/SL kapag nagbukas ka ng isa pang trade sa parehong direksyon.
  • Pero kung magtatakda ka ng TP/SL para sa pangalawa kong trade (na may bukas na posisyon sa market na ito), malalapat lang ang TP/SL sa laki ng order ng pangalawang trade na iyon. Makikita ang parehong mga setting ng TP/SL sa tab na 'Mga Order' sa page ng perp asset.
note

Hindi garantisadong awtomatikong maisasara ang posisyon sa ilalim ng matitinding kondisyon sa market. Kung mawawala ang liquidity o lalampas ang presyo sa itinakda mong antas, posibleng hindi maipatupad ang order mo sa eksaktong presyong pinili mo.

Kailan ako makakatanggap ng mga notipikasyon sa mga posisyon ko?

Kapag naka-enable ang mga push na notipikasyon (puwede mong tingnan sa Mga Setting > Notipikasyon), makakatanggap ka ng mga notipikasyon kapag:

  • Naipatupad ang take profit mo
  • Naipatupad ang stop loss mo
  • Naipatupad ang limit order mo
  • Na-liquidate ang posisyon mo
Paano kinakalkula at binabayaran ang rate ng pagpopondo?

Sinisingil kada oras ang mga rate ng pagpopondo at ibinabawas ito sa margin mo. Kapag mas matagal mong pinanatiling bukas ang isang posisyon, madadagdagan nang madadagdagan ang mga bayaring ito. Ibabawas ito sa margin mo.

  • Kung mas mataas sa spot price ang presyo ng perp, positibo ang rate ng funding: magbabayad ang mga long sa mga short.
  • Kung mas mababa ang presyo ng perp kaysa sa spot price, negatibo ang rate ng funding: magbabayad ang mga short sa mga long.

Sa Hyperliquid, ang batayang bayarin sa pagpopondo ay +0.00125% kada oras (binabayaran ng mga long ang mga short). Awtomatikong itong ina-adjust ng Hyperliquid depende kung gaano kalayo ang agwat ng presyo ng perp sa spot.

Ano ang mangyayari kapag nagbayad ako gamit ang kahit anong token?

Gumagamit ang mga trade sa Hyperliquid (provider namin) ng USDC sa HyperCore bilang collateral. Ginawa naming mas simple ito para makapagbayad ka gamit ang anumang EVM token:

  • Kapag nagdeposito ka ng mga pondo sa perps account mo, isa-swap namin ang napili mong token sa USDC sa Hypercore para makapagsimula ka nang mag-trade kaagad
  • Karaniwang wala pang 30 segundo ang itinatagal ng pagdeposito, pero puwedeng mas tumagal ito kung pipili ka ng token na may mababang liquidity
  • Hindi naniningil ang MetaMask ng anumang bayarin sa pag-swap sa mga transaksyon ng deposito na ito
  • Kapag natapos na ang transaksyon ng deposito, makakatanggap ka ng USDC sa HyperCore na makikita sa 'Available na balanse'.
Ano ang mga panganib na nauugnay sa perpetual trading?

Ang max na pagkalugi mo ay ang margin mo. Kapag mas mataas ang leverage, mas tumataas ang panganib ng liquidation.

Mas mapanganib din ang mga token na may mababang liquidity dahil mas mataas ang panganib nito sa slippage para sa mga market order. May panganib ring pumalya ang mga stop loss dahil posibleng walang trader ang gustong maging kabilang partido ng order mo.

Tingnan ang mga gabay namin: Ano ang perpetual trading at Pag-unawa sa leverage at liquidation. Laging gumawa ng sarili mong pananaliksik sa pananalapi bago magdesisyon kung anong diskarte sa pag-trade ang pinakamainam para sa iyo.

Puwede ko bang mabawi ang margin ko kung mali-liquidate ako?

Hindi, kapag na-liquidate, hindi na mababawi ang margin mo. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pamamahala sa panganib. Inirerekomenda naming magsanay sa aming calculator para sa leverage at liquidation para mas maunawaan ang iba't ibang sitwasyon.

Bakit bumababa ang balanse ng token sa account ko kapag nagpopondo ako ng perps account ko?

Hiwalay ang balanse ng perp mo sa balanse ng token sa account mo. Kapag nagdagdag ka ng mga pondo sa perp account mo, bababa ang balanse sa regular na account mo pero maidadagdag ang halagang iyon sa balanse ng perp mo.

Paano naman ang mga buwis? Ano ang proseso ng mga buwis sa perp?

Nag-iiba ang mga obligasyon sa buwis depende sa bansa at mga indibidwal na sitwasyon. Hindi kami makakapagbigay ng payo sa pagbubuwis, kaya kumonsulta sa kwalipikadong propesyonal sa pagbubuwis. Sumangguni sa aming gabay sa pagbubuwis para sa pangkalahatang impormasyon.

Was this helpful?