Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Paano bumili ng crypto sa MetaMask

Ang karanasan ng pagbili ng crypto sa MetaMask ay nag-iiba-iba depende sa kung ikaw ay nasa MetaMask Mobile o Extension. Piliin ang tamang tab sa ibaba para tingnan ang lahat ng kaugnay na impormasyon para sa bawat isa:

_Ang availability ng mga provider para sa pagbili ng crypto ay nag-iiba-iba sa pagitan ng mga bansa/rehiyon. Kung hindi ka makabili ng crypto sa MetaMask, tumingin dito para sa ilang alternatibong opsyon. _

info

Bumili ng crypto sa MetaMask Portfolio Dapp

Maari mo na ngayong i-access ang karanasan sa pagbili sa Portfolio Dapp — mag-click dito para tingnan ito. Ang proseso ay gumagana sa eksaktong paraan gaya ng 'Mobile' tab sa ibaba, kaya magpunta roon para sa isang pangkalahatang-ideya, o tingnan ang aming mga Madalas Itanong.

Sa seksyong ito:

Paano gumagana ang pagbili ng crypto sa MetaMask Mobile?

Pinapayagan ka na ng MetaMask na bumili ng crypto sa pamamagitan ng button na 'Bumili' sa Extension, kung saan pipiliin mo nang maaga ang iyong mas gustong provider, at pagkatapos ay ilalagay kung magkano ang gustong mong bilhin para matingnan ang mga kaugnay na bayarin. Sa Mobile, halos binaligtad ang pagkakasunod-sunod ng proseso ng pagbili, una ipapahayag mo kung magkano ang gusto mong bilhin, pagkatapos ay magpepresenta kami sa iyo ng mga opsyon.

Ang MetaMask Mobile ay may bago at pinahusay na bersyon ng proseso ng Extension. Dati, maaari kang bumili ng crypto sa MetaMask gamit ang fiat (hal. USD, EUR, GBP, atbp.) gamit ang mga platform na kilala bilang 'on-ramps' sa pamamagitan ng ilang external provider. Ang binuo namin para sa upgrade na ito ay isang aggregator ng mga on-ramp provider, na ginagawang mas accessible, mas mabilis, at mas scalable ang proseso.

Kapag inilagay mo kung gaano ba karami ng isang token ang gusto mong bilhin, biglang lalabas ang mga integration ng MetaMask sa aming mga vetted provider, at kukuhanan ka ng mga quote mula sa bawat isa. Awtomatikong nagre-refresh ang mga quote na ito kada 10 segundo upang matuos ang mga pagtaas-baba sa presyo ng gas, na nagpapaliit sa potensyal para sa mga nabigong transaksyon (kung tumaas ang mga presyo ng gas pagkatapos isumite ang transaksyon, ang iyong naka-quote na kabuuan ay maaaring masyadong mababa para masagot ang mga gastos sa transaksyon sa oras na ma-pick up ng network ang transaksyon).

Dahil inilalagay mo ang iyong rehiyon at currency sa prosesong ito, ang mga quote na ipinepresenta sa iyo ay awtomatikong naka-configure para sa iyong mga kalagayan: kaya hindi kailangang mag-alala tungkol sa kung magagamit mo ba ang mga available na paraan ng pagbabayad sa iyong rehiyon, o kung sinusuportahan ba ng provider na iyon ang iyong rehiyon. Kung lumalabas ito sa listahan ng quote, makakabili ka ayon sa naka-quote. Madali.

Paano ko ito gagamitin?

  1. Pumunta sa homepage ng iyong wallet at hanapin ang asul at pabilog na button na 'Bumili', na matatagpuan sa pagitan ng mga button na 'Tumanggap' at 'Magpadala' sa gitna ng screen. Siguraduhing kasalukuyan kang nasa network kung saan mo gustong bumili. I-tap ito para magpatuloy.

    MetaMask_Mobile_buy_crypto_1.png

  2. Ngayon, dadalhin ka sa menu ng pagbili, kung saan may ilang detalye kang dapat tukuyin (maaari mong punan ang mga ito sa anumang pagkakasunod-sunod, kaya huwag makaramdam ng restriksyon sa pagkakasunod-sunod na iprinesenta rito!). Ang una sa mga ito ay ang iyong** rehiyon,** na karaniwang magde-default sa iyong kasalukuyang lokasyon. Kung nagamit mo na ang feature na ito dati, ise-save ng MetaMask ang rehiyong pinili mo noong huling beses.

    Mula sa drop-down menu, maghanap o mag-scroll hanggang sa makita mo ang bansa kung saan nakarehistro ang iyong paraan ng pagbabayad (card/bank account). Mapipili ng mga user sa US ang kanilang estado pagkatapos noon. Kung ang iyong rehiyon ay hindi kasalukuyang saklaw ng kahit isa sa aming mga provider, ipapaalam namin sa iyo sa puntong ito. Maaari kang magbasa pa tungkol sa ibang mga paraan para bumili ng crypto dito.

    MetaMask_Mobile_buy_crypto_2.gif

  3. Sa susunod na screen, piliin ang iyong paraan ng pagbabayad (maaari mo palaging i-adjust ito pagkatapos kung magbago ang iyong isip):

    MetaMask_Mobile_buy_crypto_3.png

    Pumili mula sa Apple Pay/Google Pay (mag-a-adjust ito ayon sa iyong device), debit/credit card, PayPal (US lang, hindi kasama ang Hawaii), at mga bank transfer (na naka-adjust ang mekanismo ayon sa iyong rehiyon, mga detalye ng KYC, at currency: hal. ACH para sa US, Pix para sa Brazil, at SEPA para sa Europa; ang ipinapakita sa ibaba ay ang UK Faster Payments system). Siguraduhing komportable ka sa tinatayang tagal at mga limitasyon sa pagbabayad na nakadetalye sa tabi ng bawat opsyon.

  4. Piliin ang token na gusto mong bilhin, gamit ang menu na Gusto mong bumili sa itaas ng screen.

  5. Ilagay ang iyong gustong halaga, ibig sabihin, ang value (sa fiat) ng token na gusto mong bilhin.

    MetaMask Mobile buy crypto

  6. Piliin ang iyong quote. Pagkatapos ng maikling paghihintay, makikita mo ang mga quote na available sa iyo batay sa iyong mga kagustuhan. Inayos ang mga ito sa descending na pagkakasunod-sunod batay sa kung gaano karaming crypto ang matatanggap mo, kung saan nasa pinakataas ang best-value. Hilahin pababa mula sa itaas ng screen para i-refresh ang mga quote.

    MetaMask_Mobile_buy_crypto_5.png

    Kapag pumipili ka ng provider, maaaring kailangan mong kumpletuhin ang KYC kung hindi mo pa kailanman nagamit ang kanilang serbisyo dati.

Mga FAQ

Ano-anong mga network ang sinusuportahan?
  • Ethereum mainnet
  • Binance/BNB Smart Chain
  • Polygon
  • Avalanche (C-Chain)
  • Fantom
  • Optimism
  • Arbitrum
  • Celo
  • Harmony
Ano-anong mga provider ang available?
  • Transak
  • MoonPay
  • Sardine
  • PayPal (US lang)
  • Banxa
  • Onramp.money
  • Mercuryo
Ano-anong mga rehiyon/bansa ang saklaw?

Layon naming bigyan ang mga user sa maraming bansa hangga't maaari ng *kahit isang *opsyon para bumili ng crypto.

Sa kasalukuyan, ang mga user sa mahigit 170 bansa ay makakabili ng crypto sa pamamagitan ng kahit isang provider.

$__ ang inilagay ko. Bakit $__ lang ang natanggap ko?

Ang fiat value na ilalagay mo sa MetaMask ay palaging magiging higit pa sa value ng crypto na matatanggap mo sa huli.

Ito ay dahil kailangan mong magbayad ng ilang magkakaibang bayarin para sa bawat transaksyon. Bilang dagdag sa bayad na sinisingil ng MetaMask, kailangan mo ring bayaran ang bayad sa provider at ang gas fee para sa mga transaksyong kinakailangan para maipasok ang biniling crypto sa iyong wallet.

Makikita mo ang bayad sa provider na nakalista bilang 'bayad sa pagpoproseso' sa quote. Kasama sa numerong ito ang bayad na sinisingil ng MetaMask para sa serbisyo. Nakalista ang mga gastos sa gas sa quote bilang 'bayad sa network'.

Kumikita ba ng pera ang MetaMask mula rito?

Naniningil ang MetaMask ng 1% fee sa bawat transaksyon, na kinakalkula bilang porsyento ng fiat value na hinihiling mo.

Kaya kung $100 ang ilalagay mo, kakalkulahin namin ang aming parte sa mga fee bilang $1.

Pare-pareho ang 1% fee sa lahat ng rehiyon, paraan ng pagbabayad, provider, at token.

Kanino ba talaga ako bumibili kapag ginagamit ko ang feature na ito?

Hindi isinasakatuparan ng MetaMask ang mga transaksyong inoorder mo: ang provider (hal. MoonPay, Transak, atbp.) ang siyang tumatanggap sa iyong kahilingan at nagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang.

Tagapamagitan ang MetaMask sa prosesong ito. Ang ginagawa lang ng MetaMask ay pangangalap ng mga quote, na nagbibigay-daan sa iyong pumili ng isa, at pagkatapos ay nagpapahintulot sa iyong orderin ang pinili mong halaga ng crypto sa pamamagitan ng provider.

Gaano katagal bago ko matanggap ang crypto ko?

Upang maipasok ang inorder mong crypto sa iyong MetaMask wallet, dapat magsagawa ang provider na pinili mo ng mga transaksyon on-chain. Nangangahulugan ito na, bilang minimum, kakailanganin mong maghintay gaano man katagal ang aabutin nito para maproseso ng network ang mga transaksyon (block time).

Kapag naisumite mo na ang iyong kahilingan, makikita mo ang nakabinbing transaksyon sa iyong aktibidad sa MetaMask.

Ano ang gagawin ko kung nabigo ang transaksyon ko?

Dahil hindi isinasagawa ng MetaMask ang iyong transaksyon, malamang na nasa mas mainam na posisyon ang provider para suportahan ka kaysa ang aming team. Sa mga sitwasyong ito, inirerekomenda naming kontakin mo muna ang kanilang mga team ng suporta.

Para sa anumang mga isyu na mararanasan mo sa mismong MetaMask (gaya ng mga problema sa pagpili ng iyong rehiyon o currency, o sa proseso ng pagbili), makipag-ugnayan sa MetaMask Support sa pamamagitan ng button na 'Magsimula ng Pag-uusap' sa page ng Suporta.

Kung nagkakaproblema ka sa paggamit ng platform ng isang provider, gaya ng mga limitasyon sa pagbabayad, mga paraan ng pagbabayad, o KYC, inirerekomenda namin sa iyong makipag-ugnayan sa kanilang mga team ng suporta nang direkta.

Paano ko papamahalaan/ide-delete ang mga account na ginawa ko sa bawat provider?

Kapag bumibili ka ng crypto sa MetaMask, hindi ka bumibili ng crypto gamit ang o mula sa MetaMask: bumibili ka sa provider na pinili mo.

Kung gusto mong pamahalaan ang anumang personal na impormasyon na hawak ng mga provider, dapat mong i-access ang platform ng provider nang direkta, mag-log in sa iyong account, at gawin doon ang mga pagbabago. Hindi kinokolekta o hawak ng MetaMask ang iyong mga detalye sa pag-login para sa mga on-ramp provider sa anumang punto sa panahon o pagkatapos ng proseso ng pagbili.