Ano ang dapat gawin kapag hindi tama ang iyong balanse ng mga token
Una sa lahat, i-verify ang mga balanse ng token na ipinapakita sa block explorer at ikumpara sa MetaMask. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagkopya sa address ng iyong wallet at pagpe-paste nito sa block explorer na tumutugma sa network kung nasaan ka — Etherscan para sa Ethereum mainnet, Arbiscan para sa Arbitrum, atbp. Para sa mga detalyadong tagubilin, tingnan dito.
- Extension
- Mobile
Kung ipinapakita ng MetaMask Extension ang hindi tama o hindi tumpak na balanse para sa ETH o iba pang token, isa-isang subukan ang mga hakbang sa ibaba hanggang sa makita mo ang iyong tamang balanse.
Bago magpatuloy, siguraduhing na-back up mo ang iyong Secret Recovery Phrase sa isang ligtas na lugar.
- Tiyaking malakas at matatag ang iyong internet connection Kung hindi, posibleng hindi ma-load ng MetaMask ang mga tamang balanse.
- Isara ang iyong browser kung saan mo in-install ang MetaMask extension at buksan ito ulit.
- Subukang i-off ang anumang mga ad blocker na in-install mo, o, kung gumagamit ka ng VPN, subukang gamitin ang MetaMask nang naka-off ito.
- Lumipat sa ibang network at bumalik ulit. Para gawin ito, i-click ang kasalukuyan mong network sa itaas ng app. Pumili ng ibang network, at pagkatapos ay bumalik ulit sa iyong orihinal na network.
- Siguraduhing hindi ka nakakaranas ng isyu sa mga pahintulot ng browser.
- Subukan ang ibang RPC URL, kung mayroong higit sa isa na available para sa network na ginagamit mo. Maaari mong i-edit ang RPC URL sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > Network, at pagkatapos ay i-click ang network na pinag-uusapan. Tingnan ang aming artikulo sa pagdaragdag ng mga network para sa karagdagang impormasyon.
- I-install ang MetaMask gamit ang isa pang supported na browser (Firefox, Chrome, Brave, Edge) mula sa aming opisyal na website https://metamask.io, at pagkatapos ay subukang i-restore ang wallet mo gamit ang 12-word Secret Recovery Phrase kung sakaling nangyayari lang ang isyu sa browser na kasalukuyan mong ginagamit.
Kapag na-verify mo na sa Etherscan na hindi tama ang dami ng mga token na ipinapakita sa MetaMask Mobile, sundin ang mga hakbang na ito:
- Siguraduhing malakas at matatag ang iyong internet connection. Kung hindi, posibleng hindi updated ang mga halaga ng token.
- Lumipat sa ibang network at pagkatapos ay bumalik ulit.
- Palitan ng isang alternatibo ang RPC URL ng network kung nasaan ka, kung posible. Tingnan ang aming artikulo sa pagdaragdag ng mga network para sa karagdagang impormasyon.
- Itago ang token, ayon sa mga tagubilin dito, at pagkatapos ay idagdag ulit ang token, ayon sa mga tagubilin dito.
Kung ang token na pinag-uusapan ay isang network native token para sa isang network maliban sa Ethereum (BNB, AVAX, MATIC, atbp.), subukang i-delete ang network at pagkatapos ay idagdag ulit ito.
Kung ang token na pinag-uusapan ay ETH, siguraduhing naka-back up ang iyong Secret Recovery Phrase sa isang ligtas na lugar, at i-install ulit ang app.
Kung nakakaranas ka pa rin ng mga isyu pagkatapos subukan ang mga hakbang na ito, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng button na 'Magsimula ng Pag-uusap' sa aming page para sa suporta.
Mayroon bang mga built-in na mekanismo ang token na nakakaapekto sa supply o halaga?
Tahanan ang Ethereum at mga EVM-compatible chain sa napakaraming token na may iba't ibang pinaggagamitan. Dinisenyo ang ilang token para dynamic na baguhin ang supply o halaga ayon sa iba't ibang kondisyon:
- Mga rebase token, kung saan ina-adjust ang supply ng token
- Mga token na may inilalapat na 'mga buwis' sa iba't ibang uri ng mga transaksyon (hal. simpleng transfer, swap, sell, atbp.). Kung minsan, tinututukoy ang mga ito bilang mga 'fee on transfer' token.
Bago mo ipagpalagay na hindi tama ang iyong balanse, tingnan kung nalalapat ba sa iyong token ang anumang katulad na kondisyon. Karaniwan mong mahahanap ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pagsiyasat sa white paper o dokumentasyon ng proyekto.